walang bigat, walang tinig
Ipinaskil sa hikbi | Mag-iwan ng Puna »
ano ang hinahanap
ng madalas sa minsan
ano ang timbang
ng balat sa laman
ano ang tinig
ng bulong na hiling
ano ang tunog
ng lagaslas ng lalim
ano ang halaga ng dilim
kung walang nakikinig sa kwento ng bituin
ang diwa ay naglalahong bula
kapag hindi inangkin ng salitang makata
Ipinaskil sa diwa | Mag-iwan ng Puna »
magiliw ang alon
nung sumisid tayo sa lalim
hindi ka na muling umahon
iniwan mo ako sa baybayin
pangahas tayong nangarap
tuklasin ang ating salamangka
hamunin ang mga akala
bakit hindi ka nagpaalam
ng tinawag ka ng bulong
nakita mo na ba ang liyab ng dagat
nasagot mo na ba ang mga bugtong
naaninag kita sa dapithapon ng minsan
sa bungad ng dumarating at lumilisan
naghihintay ka pa ba
naalala mo pa ba tayo
ako na naging ikaw
ikaw na laging ako
Ipinaskil sa hikbi, talinhaga | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil sa hikbi | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil sa talinhaga | Mag-iwan ng Puna »
masalimuot ang biyaheng ito
paikot-ikot
sadyang maliligaw
Ipinaskil sa talinhaga | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil sa talinhaga | Mag-iwan ng Puna »